Songtexte.com Drucklogo

Estudyante Blues (extended) Songtext
von Freddie Aguilar

Estudyante Blues (extended) Songtext

Ako ang nakikita, ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan
Paggising sa umaga, sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskuwela

Kapag nangangat′wiran, ako'y pagagalitan
′Di ko alam ang gagawin
Ako'y sunod-sunuran, ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin

Ako'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang

Paggaling sa eskuwela, deretso na ng bahay
Wala naman akong aabutan
Wala doon si Nanay, wala doon si Tatay
Katulong ang naghihintay


Tatawag ang barkada, sa kanila′y sasama
Lagot na naman pagdaka
Kapag nangangat′wiran, ako'y pagagalitan
′Di ko alam ang gagawin

Ako'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang

Ako ang nakikita, ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan
Paggising sa umaga, sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskuwela

Kapag nangangatwiran, ako′y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin
Ako′y sunod-sunuran, ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin

Ako'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang

Ako ang nakikita, ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Freddie Aguilar

Quiz
Wer will in seinem Song aufgeweckt werden?

Fans

»Estudyante Blues (extended)« gefällt bisher niemandem.