Kung Sino‐sino, Kung Saan‐saan Songtext
von APO Hiking Society
Kung Sino‐sino, Kung Saan‐saan Songtext
Hawak kong peryodiko na kung saan bawat tao
Makinilya lang ang halaga
S′yang tula ang sandata, kung silang may tapang kumanta
Ang dating sinusumpa'y ginawa nang bida
Iniwan ang kapilya n′ya, sa bundok, s'ya ay nagtago na
Walang altar kung saan siya nagmisa
Nagsilabasan ang hantik, pati bundok, mukha'y inukit
Nagsayawan kami hanggang umaga
Kung sino-sino, kung saan-saan
Kaaway, kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang, silang alamat, multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan
Pati dagat, ′pinatuyo, ngunit nang templo′y gumuho
Kami'y napipi sa madugong ganda
Ngunit langit ay nagdilim nang kalapati′y paslangin
At sakali, ang luha ay bumaha
Mula sa pula n'yang libro, natuliro na lang si Pedro
Iniwan ang bukid at s′ya'y sumama
Sumabog ang entablado, sinabayan ng delubyo
Binihag ang mga matatanda
Kung sino-sino, kung saan-saan
Kaaway, kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang, silang alamat, multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan
Pati ilaw sa gintong telon, hinugis ng munting alon
Ngunit sabi, "′Di 'yan ang totoo"
May babaeng napaiyak at luha nami'y pumatak
Tuyo na ang kamay ng babaeng Pilato
Nagpainom si Pandora ngunit tumutol ang iba
Kaya naghikab na lamang ang demonyo
Sinimulan sa kandila, liwanag n′ya′y nakagiba
Nag-alsabalutan ang tatlumpung balo
Kung sino-sino, kung saan-saan
Kaaway, kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang, silang alamat, multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan
Bumalik na si Gabriela, hindi itak ang dala n'ya
Kundi ulan, may sinag na dilaw
Nakita ko sa may pintuan at s′ya'y napangiti lamang
Habang namulaklak ang bagong araw
Lahat sila′y nakatingin, bitbit ng ibon ang sakitin
Nilunod ng sigaw ang aking awit
Pati sila'y sumayaw na rin sa sari-saring tugtugin
Ang awit palang ito′y likha namin

Writer(s): Jaime Paredes, Joey Reyes Lyrics powered by www.musixmatch.com