Songtexte.com Drucklogo

Huwag Masanay Sa Pagmamahal Songtext
von APO Hiking Society

Huwag Masanay Sa Pagmamahal Songtext

Pinangako mo sa ′kin ang lahat
Ngunit, ang pag-uwi lang ng maaga ay hindi mo pa matupad
Oh, ayan ka na naman sa drama mo (aminin mo na nagbago ka na)
Dati nilalambing mo 'ko, kinakarinyo, sinusuyo (eh, dati)
Eh, pa′no naman akong gaganahan, eh, puro ka na lang dada d'yan (ngayon, ngayon)
Tumigil ka, tumigil ka na d'yan sabi eh, ′etong, ugh (walang hiya ka, taksil)
Tumahimik ka d′yan (pinabayaan mo ako dito) tumahimik ka

Huwag na huwag masanay sa pagmamahal
Kapag nasanay ka, naku, kawawa ka
Hindi lang basta-basta ang pagmamahal
Kapag umibig ka, tila ma'y abala

Ibang-iba ang buhay mo kapag nag-iisa
Walang inaasikasong problema ng iba
Kaya kung nag-aalinlangang magmahal
Ang payo ko sa ′yo ay huwag na lang


Bakit parang umaangal ka ngayon?
Ngayon at nasa 'yo na ang pag-ibig ko
Hindi ba kailan lamang no′ng sinabi mo
Walang ibang gusto para sa buhay mo?

Ganyan ba talaga ang kuwento ng pagmamahal?
Parang 'sang gayuma na hindi nagtatagal
Kaya kung nag-aalinlangang magmahal
Ang payo ko sa ′yo ay huwag na lang

Bakit ayaw nang nag-iisa?
Kailangan pang mayro'ng kasama
Kasama na nagdadala lamang ng sakit ng ulo
Huwag mong pasukan kung hindi mo kaya
Ang buhay ng mayro'ng kasama
Mabuti pang maiwan nang nag-iisa, wala pang abala

Ayaw mo talagang tumigil, ha (walang hiya ka)
Baka gusto mong (walang hiya ka talaga), aba (bayaran mo na utang mo)
Binaon pa ngayon (′wag mong kainin ′to)

Ibang-iba ang buhay mo kapag nag-iisa
Walang inaasikasong problema ng iba
Kaya kung nag-aalinlangang magmahal
Ang payo ko sa 'yo ay huwag na lang
Ang payo ko sa ′yo ay huwag na lang

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Welcher Song kommt von Passenger?

Fans

»Huwag Masanay Sa Pagmamahal« gefällt bisher niemandem.