Songtexte.com Drucklogo

Payapa Songtext
von SUD

Payapa Songtext

Mula noong namulat ang mata
Daglian kong nalaman na ikaw pala
Ang hinahanap kong tahimik
Bawat paghinga′y isang tula't usapang malalim
Kahit pa walang magsalita

Nakapikit habang hawak ang ′yong kamay
Rinig bawat pintig nati'y magkasabay
Marahan at tahimik ang habang-buhay
Ngayon, sa 'yo′y mahirap nang mawalay


Kung may ibig man sabihin ang salitang "sapat"
Ito′y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mong ako'y naniniwala na sa payapa
Mula no′ng araw na nasilayan ka

Hindi na rin nagbago ang tingin
Walang minutong lumilipas na hindi kita pansin
Nais ko lang magpakalunod sa 'yong mga mata
Sambahin ka habang-buhay hanggang ako ay mawala

At pipikit habang salabay ko lahat ng ′yong bigat
Andito lagi ang balikat, ilagay mo lang lahat
Mabigat man ang pasakit
May habang-buhay pa tayo para 'di maghiwalay

Kung may ibig man sabihin ang salitang "sapat"
Ito′y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mong ako'y naniniwala na sa payapa
Mula no'ng araw na nasilayan ka

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von SUD

Quiz
Wer singt über den „Highway to Hell“?

Fans

»Payapa« gefällt bisher niemandem.