Songtexte.com Drucklogo

Langit Songtext
von Slapshock

Langit Songtext

Gulong-gulo ang isip sa bawat sandali
Namulat ang aking mata sa paghihinagpis
Namamatay na ang ilaw sa gitna ng gabi
Liwanag ay naglalaho kasama ang ngiti

At ngayon ay magbabalik sa iyo
Dala ang panalangin ko
At ngayon ay haharapin ang mundo
Na kasama mo ako

Muli kong makikita, langit sa iyong mata
Ang paghinga, ikaw ang dahilan
Muli kong makikita, liwanag sa iyong mata
Ang paghinga, ikaw ang dahilan

Unti-unting nagbabago ang ihip ng hangin
Tumutulak sa akin upang ika′y marating
Sana sumikat ang araw at ituro ang daan
Patungo sa puso mo at muli kang mahagkan


At ngayon ay magbabalik sa iyo
Dala ang panalangin ko
At ngayon ay haharapin ang mundo
Na kasama mo ako

Muli kong makikita, langit sa iyong mata
Ang paghinga, ikaw ang dahilan
Muli kong makikita, liwanag sa iyong mata
Ang paghinga, ikaw ang dahilan

Ginising mo ang diwa ko
'Di na muling lilisan pa sa piling mo
Nalibot ko na ang mundo
Nananabik makabalik sa piling mo

Ikaw ang nais sa paggising, ikaw ang buhay ko
Ikaw ang nais makapiling, ikaw ang luha ko
Ikaw ang sinisigaw, ikaw ang nilalaman
Ikaw ang nakatatak sa puso kong ito
Ikaw ang nais sa paggising, ikaw ang buhay ko

Ikaw!

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Slapshock

Fans

»Langit« gefällt bisher niemandem.