Songtexte.com Drucklogo

Silvertoes Songtext
von Parokya ni Edgar

Silvertoes Songtext

′Wag ka nang mag-alala, hinding-hindi ako in love sa 'yo, oh
Bakit ba pakiramdam mo pa yata, lahat kami ay naaakit mo?
Miss, miss, pakitigil lang, please, ang iyong pagpapantasiya
Hindi ka na nakakatuwa, ′papagulpi na kita sa guwardiyang may batuta

Hay-ya-ya, hay-ya-ya-ya-ya-ya-ya-ya

Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ka ganyan
Ang feeling mo'y sabik sa iyo ang lahat ng kalalakihan
Sorry, pagpasensiyahan mo na, mali talaga ang iyong inaakala
Lahat kami ay nandidiri sa iyo, ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento

'Di kami natu-turn on sa kutis mong kulay-tsamporado
′Di kami naaakit sa labi mong garabutso

Oh, please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka ′pinanganak, 'wag ka nang magpapanggap
Na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama


Siguro nga naman ay may mga mas pangit pa sa ′yo
Pero at least, hindi sila nagpapa-cute katulad mo
Nakaka-bad trip ka, nakakairita t'wing kita′y nakikita
'Di ko alam, ba′t ang laki ng ulo mo
Mag-ingat-ingat ka, baka ikaw ay sagasaan ko

'Di kami natu-turn on sa kutis mong kulay-tsamporado
'Di kami naaakit sa labi mong garabutso

Oh, please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka ′pinanganak, ′wag ka nang magpapanggap
Na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama

Oh, please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka 'pinanganak, ′wag ka nang magpapanggap
Na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama

Hay-ya-ya, hay-ya-ya-ya-ya-ya-ya-ya

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Parokya ni Edgar

Quiz
In welcher Jury sitzt Dieter Bohlen?

Fans

»Silvertoes« gefällt bisher niemandem.