Songtexte.com Drucklogo

Tagu-Taguan (Halfway Point) Songtext
von Moira Dela Torre

Tagu-Taguan (Halfway Point) Songtext

Minsan, isang araw, puso′y napasigaw
Nahulog sa iyo't ′di ko na matanaw
Pangangat'wiran ko'y ′di na mapagkatiwalaan

Umasa sa iyong ′di na mabibitawan
Na baka sakali lang, 'di na masasaktan
Ngunit pangangat′wiran mo'y ′di mapagkatiwalaan

Kaya't pipikit na lang

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal ′pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan

Langit ang natanaw, pangarap ay ikaw
Lupa ang nabigay, 'di nakapaghintay
Sana nagpatintero at naiwasan ang impiyerno

Kaya't pipikit na lang
At baka sakali lang


Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal ′pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan

Pagdating sa dulo, ako′y nasaktan mo
Sinubukang 'paglaban, sigaw ng puso ko
Ngunit ba′t pipilitin ang 'di naman para sa akin?

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal ′pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan

No′ng 'di pa naiwan
No'ng ′di pa naiwan
No′ng 'di mo iniwan
No′ng 'di mo naiwan

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Moira Dela Torre

Fans

»Tagu-Taguan (Halfway Point)« gefällt bisher niemandem.