Songtexte.com Drucklogo

Dapat Pa Ba? Songtext
von Daryl Ong

Dapat Pa Ba? Songtext

Nalimot na nga ba ang ating pangako
Na tayo′y magsasama sa hirap at ginhawa?
Ating tinapon tamis ng kahapon
Tiwala'y naglaho, kaya pa bang magbago?

Ito pa ba′y dapat ipaglaban
Kung tayong dalawa ay nasasaktan lang
Alipin ng ating nakaraan

Dapat pa bang ipaglaban ang ating nadarama?
Dapat na bang limutin at humanap ng iba?
Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya
Dapat pa bang ibigin ka?
Dapat na bang limutin na?

Tayo pa nga ba ang para sa isa't isa?
Kay daming pag-ibig ang pinalipas na


Pilit binubuhay ang pag-asa
Sa puso nating s′yang naglaho na
Siguro nga tamang sumuko na

Bakit pinaglalaban pa′ng ating nadarama?
Ba't ′di na lang limutin at humanap ng iba?
Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya
Dapat pa bang ibigin ka?
Dapat na bang limutin?

Ang bawat yugto′t kwento ng ating pagsasama
Ay tila nandito na sa huling pahina
Ang masayang pagwawakas ng pag-ibig na wagas
Ay nalimot at ating pinalagpas

Dapat pa bang ipaglaban ang ating nadarama?
Dapat na bang limutin at humanap ng iba?
Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya
Dapat pa bang ibigin ka?
Dapat na bang limutin, limutin na?

Dapat pa ba?

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Daryl Ong

Quiz
Wer ist auf der Suche nach seinem Vater?

Fans

»Dapat Pa Ba?« gefällt bisher niemandem.