Sa Bawat Umaga Songtext
von APO Hiking Society
Sa Bawat Umaga Songtext
Sa bawat umagang sumisikat ang araw
Alalahaning hiram lang ang buhay
Ang bawat sandaling sa iyo′y lumilipas
Gawain o isip, mga tula't awitin
Ay laging bigyan ng saysay
Sa bawat lansangan na ibig mong tahakin
Hanapan ng dulong pupuntahan
Sa bawat hakbang ng iyong paglilibot
Kanan o kaliwa, sana′y iyong isipin
Kung bakit naglalakbay?
'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata'y nasisilawan, budhi′y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan
Sa bawat hangaring iyong ipinaglalaban
Isipin ang mundo′y para sa lahat
Sa bawat sandaling ikaw ay umibig
Puso'y nasasagi, hapdi′y 'di mapawi
Bawat puso′y may sariling pintig
'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata′y nasisilawan, budhi'y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan
'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata′y nasisilawan, budhi′y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan
Alalahaning hiram lang ang buhay
Ang bawat sandaling sa iyo′y lumilipas
Gawain o isip, mga tula't awitin
Ay laging bigyan ng saysay
Sa bawat lansangan na ibig mong tahakin
Hanapan ng dulong pupuntahan
Sa bawat hakbang ng iyong paglilibot
Kanan o kaliwa, sana′y iyong isipin
Kung bakit naglalakbay?
'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata'y nasisilawan, budhi′y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan
Sa bawat hangaring iyong ipinaglalaban
Isipin ang mundo′y para sa lahat
Sa bawat sandaling ikaw ay umibig
Puso'y nasasagi, hapdi′y 'di mapawi
Bawat puso′y may sariling pintig
'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata′y nasisilawan, budhi'y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan
'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata′y nasisilawan, budhi′y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan
Writer(s): Boboy Garrovillo, Joey Javier-reyes Lyrics powered by www.musixmatch.com