Songtexte.com Drucklogo

Pumapatak Ang Ulan Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba Medley Songtext
von APO Hiking Society

Pumapatak Ang Ulan Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba Medley Songtext

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
′Di maiwasang gumawa ng 'di inaasahang bagay
Laklak nang laklak ng beer na magdamagan
May kahirapan at ′di maiwasan
Mabuti pa kaya
Matulog ka nalang at baka sumakit ang tiyan

Ang araw ko'y nabubusisi ako ang nasisisi
Bakit ba sila ganyan?
Ang pera ko ay 'di magkasiya
Hindi makapagsine at ayaw namang dagdagan
Ubos na rin ang beer, kaya kape na lang
Lahat sinusubukan kahit walang pulutan
Ang buhay ng tamad
Walang hinaharap ni konting sarap man lang

Radyo, TV at mga lumang komiks
Wala nang ibang, mapaglibangan
At kung mayro′n kang tatawagan
Phone card nalang ang makakaltasan
Ah, ah


Mahirap talaga magmahal ng siyota ng iba
Hindi mo mabisita kahit na okay sa kanya
Mahirap, oh mahirap talaga
Maghanap nalang kaya ng biyuda

Ngunit kapag aking makita ang kanyang mga mata
Nawawala ang aking pagkadismaya
Sige lang, sugod lang
Oh bahala na, bahala na kung magkabistuhan pa

I-dial mo ang number sa telepono
′Wag mong ibigay ang tunay na pangalan mo
'Pag nakausap mo siya′y sasabihin sa'yo
"Tumawag ka mamaya nandito siyota ko"
Whoa, whoa, whoa

Mahirap talaga ang magmahal ng iba
Oh sakit ng ulo maniwala ka
Ngunit kahit ano pang sabihin nila
Iwanan siya′y 'di ko magagawa

Oh mahirap humanap ng iba
Oh sakit ng ulo maniwala ka
Ngunit kahit ano pang sabihin nila
Iwanan siya′y 'di ko magagawa


Pumapatak na naman ang ulan
Iwanan siya'y ′di ko magagawa
Pumapatak
Pumapatak
Iwanan siya′y 'di ko magagawa

Aha
Aha
Aha
Aha-ha-ha-ha
Oh, yeah

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
„Grenade“ ist von welchem Künstler?

Fans

»Pumapatak Ang Ulan Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba Medley« gefällt bisher niemandem.