Songtexte.com Drucklogo

Minsan sa Buhay Songtext
von APO Hiking Society

Minsan sa Buhay Songtext

Minsan lang sa buhay nagaganap ito
At sa aking buhay ay naranasan ko
′Di inaasahang makikilala ka
At ang aking buhay biglang nagkasigla
Dulot ng pag-ibig ang aking kasiyahan
Sa wakas nakatagpo, tunay na kaibigan
Tunay na mapalad ang aking kalagayan
Pagkat minsan lang sa buhay nagaganap ito
Ang bawat nilalang dito sa 'ting mundo
Pag may minamahal siya ay nagbabago
Parang halaman na biglang nagkabunga
Ganyan din ang puso, ito′y sumisigla
Aking panalangin ay 'wag kang mawawala
Tunay na pag-ibig sayo'y nadarama
Ngayon lang naranasan ng puso′y nabuhay
Pagkat minsan lang sa buhay nagaganap ito


Aking panalangin ay ′wag kang mawawala
Tunay na pag-ibig sayo'y nadarama
Ngayon lang naranasan, ang puso′y mabuhay
Pagkat minsan lang sa buhay nagaganap ito
Pagkat minsan lang sa buhay nagaganap ito
Minsan lang sa buhay

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Minsan sa Buhay« gefällt bisher niemandem.