Songtexte.com Drucklogo

Alam Niya Songtext
von APO Hiking Society

Alam Niya Songtext

Malalim ang pasensiya, kasing lalim ng dagat
Alitan sa pag-ibig, nililista lang sa tubig
Pagmamahalan, handang pangmatagalan

Marunong siyang sumakay, marunong siyang makibagay
Marunong makiramdam, siya ay tunay na kaibigan
Pagmamahalan, handang pangmatagalan

Alam niya kung kailan dapat makialam
Alam niya kung kailan dapat umiwas
Alam niya, kung bakit niya alam ay isang misteryo ng pag-ibig

Hindi siya namimilit, nasa lugar kung humirit
Ang luha nya′y mababaw, hindi malalim ang galit
Pagmamahalan, handang panghabang-buhay


Alam niya kung kailan tatahimik
Alam niya kung kailan dapat magalit
Alam niya, oh, kung bakit niya alam ay isang misteryo ng pag-ibig

Alam niya kung kailan tatahimik (oh, alam niya)
Alam niya kung kailan dapat magalit (oh, alam niya)
Alam niya, oh, kung bakit niya alam ay isang misteryo ng pag-ibig

Siya'y minamahal ko, ako ay kanyang alipin
Ano man ang gusto niya, ito′y aking gagawin
Pagmamahalan, hanggang sa kamatayan

(Pagmamahalan) Oh, alam niya, hindi siya namimilit
(Pangmatagalan) Oh, alam niya, marunong siyang humirit
(Pagmamahalan) Hanggang sa kamatayan
(Pangmatagalan) Ha, ha, ha
(Pagmamahalan)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Welche Band singt das Lied „Das Beste“?

Fans

»Alam Niya« gefällt bisher niemandem.