Songtexte.com Drucklogo

Kasalukuyan Songtext
von Siakol

Kasalukuyan Songtext

Tsismis ni kumare, talo pa ang sine
Mayro′ng number two raw itong si kumpare
May pakpak ang balita, may tainga ang dingding
Wala pang sikretong 'di makakarating

Puro pangako, laging napapako
Wala namang nangyari ngayong nakaupo
Sa pulitika, puro pambobola
Ang ating pag-asa, hindi tuloy makuha

Hindi man maabot ng aking isipan
Nakikita ko sa kapaligiran
Wala na bang natitira pang nilalang
Na magbabago sa kasalukuyan?

Ang mga buwaya, nagkalat sa kalsada
Mga walang patawad basta′t tungkol sa pera
Wala nang lisensya ka pang ibibgay
Absuwelto ka na basta't may lagay


Kay raming manananggal, gabi lumalabas
Sila'y naglilipana, manananggal ng lakas
Sino′ng susunod? Tayo′y mauubos
Sigaw ng mga tao, "Ipako sa krus"

Hindi man maabot ng aking isipan
Nakikita ko sa kapaligiran
Wala na bang natitira pang nilalang
Na magbabago sa kasalukuyan?

Nagising sa ingay, away ng kapitbahay
Kahit matagal na, hindi pa rin masanay
Maliit na bagay ay pinalalaki
Ngayo'y nagsisisi kung kailan pa huli

Itong kasalukuyan, hindi kinabukasan
Kung ′di na uulitin lahat ng kamalian
Tayo ay magsama, huwag nang bibitiw pa
At baka maiwan kang nakatanga

Hindi man maabot ng aking isipan
Nakikita ko sa kapaligiran
Wala na bang natitira pang nilalang
Na magbabago sa kasalukuyan?

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Siakol

Fans

»Kasalukuyan« gefällt bisher niemandem.