Songtexte.com Drucklogo

Deadma (Version 2) Songtext
von Rocksteddy

Deadma (Version 2) Songtext

Matagal ko nang gustong malaman mo
Matagal ko nang itinatago-tago ′to
Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
Pwede bang bukas na? Ipagpaliban muna natin 'to

Dahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero ′di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita kahit ′di mo lang alam, oh, whoa

Matagal ko nang gustong sabihin ′to
Matagal ko nang gustong aminin sa 'yo
Sandali, heto na, at sasabihin ko na nga
Ngayon na, mamaya, o baka pwedeng bukas na?

Dahil kumukuha lang ng buwelo
Upang sabihin sa iyo


Mahal kita pero ′di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit ′di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero 'di mo lang alam, oh, whoa

Ngunit kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo, whoa

Mahal kita pero hindi mo lang alam
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo namang itanong sa ′kin
Kasi baka nga naman, hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sa 'yo sasabihin
Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw

Mahal kita pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala
Pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga masabi sa 'yo nang harapan

Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ′ko titignan, hindi rin kita titignan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman
Lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw-araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan


Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalamanan na
Nais kong ako na rin ang magsabi sa ′yo nang harapan
Kasi alam kong do'n din naman ang tuloy n′yan
At dalawa din lang naman ang posibleng sagot d'yan, "oo" o "hindi"

Kaya′t eto na, sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magkatsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero ′di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita kahit lagi mo na lang akong dinededma

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Deadma (Version 2)« gefällt bisher niemandem.