Songtexte.com Drucklogo

Gabay Songtext
von Siakol

Gabay Songtext

′Paririnig sa 'yo sa ′pag dating mo sa mundo
Ang katahimikan, malayo sa gulo
Sa inosenteng mga mata, aking ipapakita
Wala ang kaguluhan, walang pangangamba

Humawak ka lamang sa aking kamay
Nang matuklasan ang ganda nitong buhay
Iingatan ka, 'di pababayaan
Gabay mo ako sa iyong kapaligiran

Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon
Malayo sa dilim ng kahapon
Hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon
Mga batang naglalaro lang maghapon

Simoy ng hangin, sari-saring tanawin
Paligid na iyong tatahakin
'Pagka′t walang sawa kitang aarugain
Sa paraisong pinaglalagyan natin


′Padarama sa iyo upang mahubog ng husto
Ang kabutihan sa kapwa tao
At sa mura mong isipan, dapat nang malaman
Na may Diyos tayo na pasalamatan

Humawak ka lamang sa aking kamay
Nang matuklasan ang ganda nitong buhay
Iingatan ka, 'di pababayaan
Gabay mo ako sa iyong kapaligiran

Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon
Malayo sa dilim ng kahapon
Hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon
Mga batang naglalaro lang maghapon

Simoy ng hangin, sari-saring tanawin
Paligid na iyong tatahakin
′Pagka't walang sawa kitang aarugain
Sa paraisong pinaglalagyan natin

Humawak ka lamang sa aking kamay
Nang matuklasan ang ganda nitong buhay
Iingatan ka, ′di pababayaan
Gabay mo ako sa iyong kapaligiran


Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon
Malayo sa dilim ng kahapon
Hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon
Mga batang naglalaro lang maghapon

Simoy ng hangin, sari-saring tanawin
Paligid na iyong tatahakin
'Pagka′t walang sawa kitang aarugain
Sa paraisong pinaglalagyan natin

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Siakol

Quiz
Whitney Houston sang „I Will Always Love ...“?

Fans

»Gabay« gefällt bisher niemandem.