Songtexte.com Drucklogo

Paalam Sampaguita Songtext
von Yano

Paalam Sampaguita Songtext

Paalam, sampaguita
Bakit ka lalayo pa?
Maninirahan sa America
′Di na tayo magkikita

Anong silbi ng larawan mo
Kung hindi ka naman naririto
Habangbuhay ko bang ilalagay
Sa pitaka ko na 'yong ibinigay
Tatay at nanay mo ang nagsabi
′Di raw tayo maaring mag-steady
Gusto nilang maging asawa mo
'Yong anak ng may-ari ng barko

Paalam, sampaguita
Bakit ka lalayo pa?
Maninirahan sa America
'Di na tayo magkikita


Sabi mo mahal mo ako
Sa ilalim ng buwan nagsumpaan pa tayo
Na walang makakahadlang
Kahit sino man sa ating pag-iibigan
Kay saklap naman ng kapalaran
Nilisan ka ′pagkat ika′y napilitan lang
Kaya ito, laging kasama ko
Ang tamis at pait ng alaala mo

Paalam, sampaguita
Bakit ka lalayo pa?
Maninirahan sa America
'Di na tayo magkikita

Ganito ba talaga ang pag-ibig
′Di maaring magtagpo ang lupa't langit
Ganito ba talaga ang pag-ibig
′Di maaring magtagpo ang lupa't langit

Paalam, sampaguita
Bakit ka lalayo pa?
Maninirahan sa America
′Di na tayo magkikita

Paalam, sampaguita
Bakit ka lalayo pa?
Maninirahan sa America
'Di na tayo magkikita


Paalam na
Paalam na
Paalam na
Paalam na
Bye bye

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Yano

Fans

»Paalam Sampaguita« gefällt bisher niemandem.