Songtexte.com Drucklogo

Kumusta Na Songtext
von Yano

Kumusta Na Songtext

Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba, bahala na

Napanood kita sa tv, sumama ka sa rally
Kasama ang mga madre, pinigilan mga tangke
Umiiyak ka pa sa harap ng mga sundalo
Namigay ka pa ng rosas na nabili mo sa kanto

Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba, bahala na

Dala-dala mo pa, estatwa ni Sto. Nino
Eskapularyo′t Bibliya, sangkatutak na rosaryo
At sa gitna ng EDSA, lumuhod ka't nagdasal pa
Our Father, Hail Mary from thy bounty thru Christ our Lord amen


Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba, bahala na

Pebrero, bente-sais nang si Apo ay umalis
Ngiti mo′y hanggang tenga sa kakatalon, napunit a'ng pantalon mo
Pero hindi bale, sabi mo, marami naman kame
Kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disco sa kalye

Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba, bahala na

Nakita kita kahapon, may hila-hilang kariton
Huminto sa may Robinson, tumanga buong maghapon
Sikat ka noon sa TV kase kasama ka doon sa rally
Pero ngayo'y nag-iisa, naglalakad sa may EDSA

Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba, bahala na


Kumusta na, ayos pa ba?
Ang buhay natin, kaya pa ba?
Eh kung hindi, paano na?
Ewan mo ba, bahala na

Ewan mo ba, bahala na
Bahala na
Bahala na

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Yano

Fans

»Kumusta Na« gefällt bisher niemandem.