Songtexte.com Drucklogo

Nando'n Ako Songtext
von Willie Revillame

Nando'n Ako Songtext

Sa bawat ihip ng hanging dumadampi sa ′yo
Sa bawat sikat ng araw na halik sa pisngi mo
Sa bawat buhos ng ulan na ang dala'y walang-hanggan
Naroroon ako kailan pa man

Sa bawat ilog at dagat na ′yong lalanguyan
Sa bawat ningning ng bituing nang-aakit ang kinang
Sa bawat bundok at parang, maging hanggang kalangitan
Nando'n ako, hindi ka iiwan

Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando′n ako at ′di mawawala sa piling mo
Nando'n ako hangga′t pumipintig ang puso ko
Nando'n ako, kasama mo, nando′n ako


Sa bawat ilog at dagat na 'yong lalanguyan
Sa bawat ningning ng bituing nang-aakit ang kinang
Sa bawat bundok at parang, maging hanggang kalangitan
Nando′n ako, hindi ka iiwan

Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at ′di mawawala sa piling mo
Nando′n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando′n ako, kasama mo, nando'n ako

Sa kalungkutan, maging kasiyahan
Makakasama mo ako′t hindi ka iiwan
'Pagkat ang pag-ibig ko′y tanging ikaw lamang
Dadalhin ko hanggang kailan pa man

Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at ′di mawawala sa piling mo
Nando′n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando′n ako, kasama mo, nando'n ako

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Willie Revillame

Quiz
Welcher Song ist nicht von Britney Spears?

Fans

»Nando'n Ako« gefällt bisher niemandem.