Songtexte.com Drucklogo

Indak Songtext
von Up Dharma Down

Indak Songtext

Tatakbo at gagalaw
Nag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang paghinga′y nabibitin

Ang dahilang alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo'y naguguluhan

Makikinig ba ako sa aking isip
Na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang sa tibok ng puso mo
At aasahan ko na lamang na hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at magsasayaw
Habang nanonood s′ya


Paalis at pabalik
May baong yakap at suklian ng halik
Magpapaalam at magsisisi
Habang papiglas ka, ako sa 'yo ay tatabi

Tayong dalawa lamang ang nakakaalam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pagbibigyan ko

Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
Ngunit pipigilan ang pag-ibig n'ya na totoo
Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan kong hindi mo lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at magsasaya
Habang nalulungkot ka
Pipikit na lamang at magsasaya
Habang nalulungkot ka

Ako′y litong-lito, tulungan n′yo ako
'Di ko na alam kung sino pang aking pagbibigyan, oh
Ayoko na nang ganito
Ako ay litong-lito, ooh-whoa

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Up Dharma Down

Quiz
Wer besingt den „Summer of '69“?

Fans

»Indak« gefällt bisher niemandem.