Songtexte.com Drucklogo

Reunion Songtext
von Sugarfree

Reunion Songtext

Kumusta na?
Matagal na rin tayong ′di nagkita
Ibang-iba ka na

Ang gabi'y inuulan ng ngiti
Habang binabalik-balikan ang nakaraan
At napansin ko lang

Na habang tumatanda, tayo′y tumataba
Lalong bumibigat, lalong lumalala
Mga problema sa buhay

Ngayong gabi, kahit sandali
Takasan natin ang ngayon
At bumalik sa ating kahapon
Nu'ng buhay natin ay puno pa ng kulay
Oh, kailan ba nagsimula?
Kailan ba tayo tumanda?


Malayo na rin ang ating narating
Mula nu'ng maghalikan ang mga landas natin
May mga yumaman na
May biglang nawala, at may ibang walang magawa
Kundi manganak nang manganak

Dahil habang tumatanda, tayo′y tumataba
Lalong bumibigat, lalong lumalala
Mga problema sa buhay

Ngayong gabi, kahit sandali
Takasan natin ang ngayon
At bumalik sa ating kahapon
Nu′ng buhay natin ay puno pa ng kulay
Kailan ba nagsimula?
Kailan ba tayo tumanda?

Ah, tumanda
Tayo'y tumanda

Tingnan mo nga naman
Ang nagagawa ng panahon
Kay layo na natin sa noon
Matatapos din ang gabi
Ngunit ′di maghihiwalay
Ang puso ko sa alaala mo


Dahil habang tumatanda, tayo'y tataba
Lalong bumibigat at lalong lalala
Mga problema sa buhay

Ngayong gabi, kahit sandali
Takasan natin ang ngayon
At bumalik sa ating kahapon
Nu′ng buhay natin ay puno pa ng kulay
Oh, kailan ba nagsimula?
Kailan ba tayo tumanda?
Kailan ba tayo tumanda?

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Sugarfree

Quiz
Cro nimmt es meistens ...?

Fans

»Reunion« gefällt bisher niemandem.