Songtexte.com Drucklogo

Nangangawit Songtext
von Sugarfree

Nangangawit Songtext

′Di mo ba napapansin sa mga nakaw kong tingin?
Ang hindi masabi ng labi ay kinukubli sa ngiti
Hanggang kailan ko dadalhin aking lihim na pagtingin
Kung hindi mo pa alam, ewan ko na lang

Dinggin ang 'di kayang sabihin
Ng puso kong malapit nang mangawit

′Di ka ba nagtataka sa mga kinikilos kong
Halos 'di magkandarapa at nauutal-utal pa
Patawarin mo ako kung ang kinikilos ko
Ay kabaliktaran ng tunay na nadarama ko

Dinggin ang 'di kayang sabihin
Ng puso kong malapit nang mangawit


Ah-ha-ah, ah-ha-ah

Ano pang ′di ko kailangan gawin
Upang iyong mapansin?
Kailan ba matatapos ang awit
Ng pusong nangangawit?

Patawarin mo ako kung ang kinikilos ko
Ay kabaliktaran ng tunay na nadarama ko

Dinggin ang ′di kayang sabihin
Ng puso kong malapit nang mangawit
Oh, dinggin ang 'di kayang sabihin
Ng puso kong malapit nang mangawit

Ah-ha-ah, ah-ha-ah
Ah-ha-ah, ah-ha-ah

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Sugarfree

Quiz
Welcher Song ist nicht von Robbie Williams?

Fans

»Nangangawit« gefällt bisher niemandem.