Songtexte.com Drucklogo

Kwarto Songtext
von Sugarfree

Kwarto Songtext

Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punong-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban

Ohh... Ohh...

Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayon kailangan nang itapon

′Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon
Mula ngayon


May jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan

′Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon
Mula ngayon...

Mula ngayon

Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto't naro'n siya

Magpapaalam na sa ′yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa ′yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa ′yo ang aking kwarto


Magpapaalam na sa 'yo
Magpapaalam na sa ′yo
Magpapaalam na sa 'yo
Magpapaalam na sa ′yo ang aking kwarto

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Sugarfree

Quiz
Wer ist gemeint mit „The King of Pop“?

Fans

»Kwarto« gefällt bisher niemandem.