Songtexte.com Drucklogo

Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa Songtext
von Sugarfree

Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa Songtext

Nandito na siya
Nandito na siya

Maniwala ka na lang sa kanya
′Pag s'ya na ang nagsasalita
′Wag ka na lang mag-alala
Dahil mali ka at lagi siyang tama

Lahat na yata ng iyong sabihin
Kayang-kaya niyang kontrahin
Wala na yata siyang 'di kayang gawin
Wala na yata siyang kasing-galing

Heto na siya
Ang henyo ng henerasyon

Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na siya
Ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa


Ang laki siguro ng utak niya
Wala nang librong hindi pa nababasa
Siguro 'di siya tao
Alam na niya ang bawat sulok ng mundo

Kahindik-hindik ang nalalaman
Sa mga bagay na kailanman
Ay hindi pa niya nararanasan
Hindi masukat ang kanyang kagalingan

Heto na siya
O, ang henyo ng henerasyon

Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na siya
Ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa

Kamukha na niya si Ernie Baron
May biyak din sa gitna ang barong
May kasagutan sa bawat katanungan
Kahit wala namang nagtatanong

′Di bale nang wala siyang kaibigan
Dahil hamak lamang tayong taga-lupa
Gawan na natin siya ng rebulto
Ilagay sa tuktok ng bundok


Heto na siya
Heto na siya

Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na siya

Mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na siya
Ang pinakamagaling (pinakamagaling)
Ang pinakamagaling (pinakamagaling)
Ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Sugarfree

Fans

»Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa« gefällt bisher niemandem.