Songtexte.com Drucklogo

Kaliwa't Kanan Songtext
von Silip Silim

Kaliwa't Kanan Songtext

Sabaw ka na naman at parang ′di mapakali
Naiisipan mo pa ba na matulog sa gabi?
Kahit na gano'n ang buhay, ′di makabalik
Masasabi mo na lang na 'di 'to madali

Sa kakapuyat mo, hindi mo na alam umaga
Sa kakasulat mo, hindi mo na alam bumasa
Sa kakabuhat mo, hindi mo na alam kung ga′no kagaan
Ang buhay, ang buhay

Sa kaliwa′t kanan, huwag mong kalimutan
Na mayro'ng magsasawa at mayro′ng masasanay
Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Gawin mong bahaghari ang lahat ng bagay

Para kang natutunawan ′pag nababato
Kamot sa iyong bumbunan, 'di humihinto
Sakay ka sa ′king duyang parang sadyang mapaglaro
Sa awit ng ating isipan, huwag nang malilito


Sa kakapuyat mo, hindi mo na alam umaga
Sa kakasulat mo, hindi mo na alam bumasa
Sa kakabuhat mo, hindi mo na alam kung ga'no kagaan
Ang buhay, ang buhay

Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Na mayro′ng magsasawa at mayro′ng masasanay
Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Gawin mong bahaghari ang lahat ng bagay

Sa kakatulog mo, palagi kang nananalangin
Na ang katawan ay sana liparin ng hangin
Sa kakabuhat mo, hindi mo na alam kung ga′no kagaan
Ang buhay, ang buhay

Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Na mayro′ng magsasawa at mayro'ng masasanay
Sa kaliwa′t kanan, huwag mong kalimutan
Gawin mong bahaghari ang lahat ng bagay

Hmm-mmm, hmm

S'yempre, nakikita ko 'yung mga nasa likod
Ta′s ano nakikita mo sa ano, sa ano?
′Yung nakikita kong mga lines d'yan, nagiging ano ′yan, eh
Mga record 'yan, ta′s ang daming lines na umaano
Nakahiga lang ako sa gano'n, ta′s lumalaki lahat ng bagay (oh?)
'Pag tinitigan mo, du'n s′ya lumalaki


Ayan, ayan, the more na humihinga s′ya, doon
Oo, 'pag humihinga, oo, kaya, kaya ko nag-
Humihinga nang malalim kasi
Nakikita ko, ta′s tinititigan, tinitingnan ko lang
Ta's may mga nakikita na ′kong (alam mo kung bakit?)
Mga nag-ii-stare na sa 'kin, bakit?
Puwet mong may raket, ha-ha-ha (inang-)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Kaliwa't Kanan« gefällt bisher niemandem.