Songtexte.com Drucklogo

Si Aiza, Si Norma, At Si Jen Songtext
von Parokya ni Edgar

Si Aiza, Si Norma, At Si Jen Songtext

Aiza, nang makilala ka
′Di ko maipinta, galak na nadarama
Natataranta sa t'wing tayo ay magkasama
Kahit sa′n magpunta, abutin man ng umaga
Nais ko ay makapiling kita sa t'wina
Mayakap ka, oh, sinta
Lagi mong tatandaan na ikaw lang at wala nang iba

Ngunit lahat ay nagbago nang may biglang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadyang mahulog ang aking mundo sa kanya
Ang aking mundo (ang aking mundo), biglaang gumuho
Ang aking mundo (ang aking mundo), sa kanya na iikot
Iikot kay Norma


Norma, nang makilala ka
Parang mas masaya 'pag ikaw ang kasama
Natataranta sa t′wing tayo ay magkikita
Kahit sa′n magpunta, abutin man ng tanghali
Nais ko ay makapiling kita sa t'wina
Mayakap ka, oh, sinta
Lagi mong tatandaan na ikaw lang at wala nang iba

Ngunit lahat ay nagbago nang may bigla na namang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadya, mahulog na naman ang aking mundo sa iba
Ang aking mundo (ang aking mundo), bigla na namang gumuho
Ang aking mundo (ang aking mundo), sa kanya naman iikot
Iikot kay Jen

Jen, ikaw na talaga
Kahit sa′n magpunta, gabi, tanghali, umaga
Wala nang iba

Ikaw lang at wala nang iba

Si Aiza, si Norma, at si Jen
Si Aiza, si Norma, at si Jen
Si Aiza, si Norma, at si Jen (si Aiza, si Norma at si Jen)
Si Aiza, si Norma, at si Jen

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Parokya ni Edgar

Fans

»Si Aiza, Si Norma, At Si Jen« gefällt bisher niemandem.