Songtexte.com Drucklogo

Gising Na Songtext
von Parokya ni Edgar

Gising Na Songtext

Gising na, buksan ang ′yong mga mata
Gising na, hali na at silipin ang pagdilat ng umaga
Tahimik at saksakan ng ganda

Gising na, nandiyan na ang umaga
Gising na, nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha
At pungay ng iyong mga mata

Kanina pa kita pinagmamasdan
Kanina pa kita tahimik na binabantayan
Hindi gumagalaw hanggang wala ang araw
Sadyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha


Gising na, buksan ang 'yong mga mata
Gising na, mayro′n sana akong gustong sabihin sa iyo
Na 'di mapaliwanag nang husto

Gising na, nandiyan na ang umaga
Gising na, hindi ko maintindihan, ba't ′di mapantayan
Ang kasiyahan na nadarama t′wing nandiyan ka

Binabalak ko nang sabihin na minamahal kita
Kasabay ng pagsibol na wala na yatang igaganda pa
Nagsama ang ginaw at ang lambing ng araw
Ngunit dala ng kaba, hindi ko yata kayang magsalita

Nakakainis isipin na 'di ko alam ang gagawin
Ngunit walang magagawa, ′di pa kayang aminin
Ang pagkakataon ay dapat pang palampasin
'Di na lang kita gigisingin

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Parokya ni Edgar

Quiz
Wer singt über den „Highway to Hell“?

Fans

»Gising Na« gefällt bisher niemandem.