Songtexte.com Drucklogo

Simpleng Musikero Songtext
von Noel Cabangon

Simpleng Musikero Songtext

Ibig kong iguhit ang larawan mo sa aking awit
At kukulayan ng himig at ng dalisay kong pag-ibig
Iguguhit kita sa lona ng aking musika
At ang pinsel ng makata ang huhubog sa ′yong ganda

Kahit 'di ako pintor na gumuguhit ng obra
Kahit ′di isang makata na sumusulat ng tula
O 'di kaya'y isang iskultor na inuukit ang likha
Ako′y isang simpleng musikero


Ibig kong iguhit ang ningning ng ′yong titig
At hahagurin ng tinig ang mga labi mong kay tamis
At aawitin ko ng buong puso ang larawan mo
Itatanghal kong obra, likha ng pag-ibig ko

Kahit 'di ako pintor na gumuguhit ng obra
Kahit ′di isang makata na sumusulat ng tula
O 'di kaya′y isang iskultor na inuukit ang likha
Ako'y isang simpleng musikero

Kahit ′di ako pintor na gumuguhit ng obra
Kahit 'di isang makata na sumusulat ng tula
O 'di kaya′y isang iskultor na inuukit ang likha

Kahit ′di ako pintor na gumuguhit ng obra
Kahit 'di isang makata na sumusulat ng tula
O ′di kaya'y isang iskultor na inuukit ang likha
Ako′y isang simpleng musikero

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Noel Cabangon

Quiz
Whitney Houston sang „I Will Always Love ...“?

Fans

»Simpleng Musikero« gefällt bisher niemandem.