Songtexte.com Drucklogo

Ngayon At Kailanman Songtext
von Mark Bautista

Ngayon At Kailanman Songtext

Ngayon at kailanman
Sumpa ko′y iibigin ka, ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa, ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa, asahang may kasama ka, sinta
Naroroon ako t'wina
Maaasahan mo t′wina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa 'yo
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo?
Upang sa araw-araw ay s′yang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman, ikaw ay mapalingkuran, hirang
Bakit labis kitang mahal?
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa ′king buhay


Sa bawat araw. ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay ′di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at 'di na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo′y magunaw na
Hanggang doon magwawakas
Pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Sa bawat araw, ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Ngayon at kailanman

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Mark Bautista

Quiz
Wer ist gemeint mit „The King of Pop“?

Fans

»Ngayon At Kailanman« gefällt bisher niemandem.