Songtexte.com Drucklogo

Anak Songtext
von Kuh Ledesma

Anak Songtext

Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo′y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi′y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
(Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo)

Ngayon nga ay malaki ka na
Ang nais mo'y maging malaya
′Di man sila payag, walang magagawa


Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila′y sinuway mo

'Di mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa′y para sa iyo
'Pagkat ang nais mo′y maging malaya
'Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo′y naligaw
Ika'y nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?"

At ang iyong mga mata′y biglang lumuha
Nang ′di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika′y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika′y nagkamali

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Kuh Ledesma

Fans

»Anak« gefällt bisher niemandem.