Songtexte.com Drucklogo

Super Pinoy Songtext
von Jolina Magdangal

Super Pinoy Songtext

Lipad, angat, tuloy-tuloy
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa ′yo

Oh, sa hirap ng buhay, tinataguyod ang pamilya ni nanay
Wala man ang asawa
Sa sipag at tibay, nagpupuyat mag-sampaguita si Totoy
Estudyante sa umaga
Sa lupang dayuhan, si manang ay naninilbihan
Sa buhay mong laan, ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy

Ano′ng hinaharap? Ipagtatanggol ang Inang Bayan na kawal
Panganib ay labanan
Buong pagsisikap binubuhos ang kagalingan ng atleta
Medalya'y mapanalunan
Sa dakong sa'n pa man, anong larangan mang tanghalan
Sa husay mong laan, ang galing-galing mo (ang galing-galing mo)
Bilib ako sa ′yo, super Pinoy


Lipad sa bawat sulok ng mundo
Angat ang bayaning Pilipino
Lipad, angat, tuloy-tuloy
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa ′yo, super Pinoy

Lahat pinipitak, basta't tulungan lang ang kapwa-tao
′Di bale kung magkano
Lahat inaaral, patuloy lang ng paglingkod, serbisyo
Sa bawat Pilipino
Ang pagpapala mo, nadarama ng kahit sino
Walang katulad mo, ang galing-galing mo (ang galing-galing mo)
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy

Lipad sa bawat sulok ng mundo
Angat ang bayaning Pilipino
Lipad, angat, tuloy-tuloy
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa ′yo, super Pinoy
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy

Lipad (lipad, lipad)
Angat (angat)
Lipad, angat, tuloy-tuloy
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa ′yo, super Pinoy


Ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo (bilib ako sa 'yo), super Pinoy

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Jolina Magdangal

Fans

»Super Pinoy« gefällt bisher niemandem.