Songtexte.com Drucklogo

Walang Ibang Sadya Songtext
von Joey Ayala

Walang Ibang Sadya Songtext

Aanhin ang mata kung walang mapagmasdang
Sayaw sa indayog ng talahiban
Aanhin ang tenga kung hindi mapakinggan
Ang awit ng hangin sa punongkahoy

Aanhin ang labi kung ′di madampian
Ng ulan o 'di kaya′y mahagkan ng ilog
Pagmasdan, pakinggan, lasapin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito


Bulaklak sa paanan, naghihintay ng pansin
Ano ba ang buhay n'ya kung 'di mo langhapin?
Ang bato sa batis, kinis n′ya′y masasayang
Kung 'di mo mahaplos ang pisngi n′yang alay

Anhin pa ang balat kung 'di maramdaman
Ang lambing ng araw at ang sariwang simoy
Langhapin, haplusin, pansinin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito

Gano′n din ang tao nang siya'y mahalin
Ang tanging pangarap, tanging katuparan

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Joey Ayala

Fans

»Walang Ibang Sadya« gefällt bisher niemandem.