Songtexte.com Drucklogo

Parusa Songtext
von Jireh Lim

Parusa Songtext

Walang mas sasakit pa sa maiwan
Sa kahit na anong paraan
Lalo kung ′di man lang magpapaalam
Tila wala man lang pakialam

Lagi na lang akong pinaparusahan
"Ano ang kasalanan?", lagi ang katanungan
Walang humpay na pagmamahalan
Ang tanging kahilingan, sana'y mapakinggan

Ayokong malimot ng mundo, ng mundo
Nasanay na lagi sa piling mo, sa piling mo
Kailan makakamtan ang kahilingang hindi maiwanan?

Sa mga ulap ay nakatingin
Humahalik sa mga bituin
Ang buhay ko′y wala man lang ningning
Bumabalot ay puno ng dilim

Lagi na lang akong pinaparusahan
"Ano ang kasalanan?", lagi ang katanungan
Walang humpay na pagmamahalan
Ang tanging kahilingan, sana'y mapakinggan

Ayokong malimot ng mundo, ng mundo
Nasanay na lagi sa piling mo, sa piling mo
Kailan makakamtan ang kahilingang hindi maiwanan?

Mundo ko ay ikaw, mundo ko ay ikaw

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Jireh Lim

Fans

»Parusa« gefällt bisher niemandem.