Songtexte.com Drucklogo

Larawang Kupas 2020 Songtext
von Jerome Abalos

Larawang Kupas 2020 Songtext

Sa isang larawang kupas ay aking nasilayang muli
Ang ating lumipas
Kung maibabalik ko lamang, panahon at ang oras
Hindi sana lungkot at pagsisisi ang dinaranas

Hanggang sa mga sandaling ito, ′di ako nagbabago
Taglay ko pa rin ang damdamin sa 'ting lumang litrato
Ngunit sa ′yo, ewan ko
Ikaw ba'y iba na buhat nang tayo'y magkalayo?


Kapit-kamay tayong dalawa, nakangiti at kapuwa masaya
At ang tunay na pagmamahal, nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas
Salamat sa larawang kupas

Hanggang sa mga sandaling ito, ′di ako nagbabago
Taglay ko pa rin ang damdamin sa ′ting lumang litrato
Ngunit sa 'yo, ewan ko
Ikaw ba′y iba na buhat nang tayo'y magkalayo?

Kapit-kamay tayong dalawa, nakangiti at kapuwa masaya
At ang tunay na pagmamahal, nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas
Salamat sa larawang kupas


Oh-whoa
Salamat sa ′yo
Whoa, oh
Salamat sa 'yo

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Jerome Abalos

Quiz
Wer ist gemeint mit „The King of Pop“?

Fans

»Larawang Kupas 2020« gefällt bisher niemandem.