Songtexte.com Drucklogo

Bulag, Pipi at Bingi Songtext
von Jerome Abalos

Bulag, Pipi at Bingi Songtext

Madilim ang ′yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan
Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan


Di nalalayo sa′yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo
'Di makita, ′di marinig, minsa′y nauutal
Patungo sa hinahangan na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala sa′yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman

Di nalalayo sa′yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo
′Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangan na buhay na banal

Ano sa′yo ang musika, sa′yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay ′di madinig
Mapala ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo


Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami′y nabubuhay mang tulad mo
'Di makita, ′di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangan na buhay na banal

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Jerome Abalos

Quiz
Wer singt das Lied „Haus am See“?

Fans

»Bulag, Pipi at Bingi« gefällt bisher niemandem.