Songtexte.com Drucklogo

Contestant Number One Songtext
von Itchyworms

Contestant Number One Songtext

Okay! Napakadali lang ng gagawin niyo, mga kaibigan (tama)
Igugulong niyo ′yung bato, pagdating sa dulo, luhod sa asin (ayon)
Kainin ang bato at manalo ng bente pesos!

Tayo na at lumahok, magbasag ng palayok
Lalabas sa isang itlog, Ferdinand Birog
Lunukin mo nang buo, isang daan ang premyo mo
Mayro'n ditong apat pa, kaya mo pa ba?

Oh, ′di ba, ang saya-saya?
Oh, 'di ba, ang saya-saya?

Ang daming premyo na naghihintay sa 'yo
Kahit mapugot na ang ulo mo
Kalahok sa kalokohan, ′kala mo panalo ka
Kalahok sa kalokohan, totoo ay talo ka

Pili ka, door one, two, three, isa dito, may salapi
Ang isa, may pie-in-the-face, isa ay toxic waste
Pagkatapos mong bastusin, luluhod ka sa asin
Itaya ang iyong hiya para sa barya

Oh, ′di ba, ang saya-saya?
Oh, 'di ba, ang saya-saya?


Ang daming premyo na naghihintay sa ′yo
Kahit mapugot na ang ulo mo
Kalahok sa kalokohan, 'kala mo panalo ka
Kalahok sa kalokohan, totoo ay talo ka

Okay, handa na ba kayo, mga kaibigan?
Ready, get set, go!
Ayan na, si contestant number two, pagulungin ang bato
Konting bilis pa
Oh, contestant number three, siya na daw maggugulong (oo, ′yun nga)
Bato ang ipapagulong mo, dire-diretso lang kayo doon sa putikan
Twenty pesos din iyan (oo, tama, twenty pesos)
Hirap niyan pulutin kung saan-saan (oo, ano?)
And the winner is, contestant number...

Oh, 'di ba, ang saya-saya?
Oh, ′di ba, ang saya-saya?

Ang daming premyo na naghihintay sa 'yo
Kahit mapugot na ang ulo mo
Kalahok sa kalokohan, 'kala mo panalo ka
Kalahok sa kalokohan, totoo ay talo ka

Kalahok sa kalokohan, ′kala mo panalo ka
Kalahok sa kalokohan, totoo ay talo ka

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Itchyworms

Fans

»Contestant Number One« gefällt bisher niemandem.