Songtexte.com Drucklogo

Sa Ngalan Mo Songtext
von Imago

Sa Ngalan Mo Songtext

Pa′no mo iibigin 'sang tulad kong marupok, sugat-sugat
Saplot ang galos ng nakaraan?

Pa′no hihilumin? Pa'no ko tatanggapin?
Ano'ng usapan? Agaw buhay ang pag-asa
Oh, tatawagin ko, lalapitan ko
Ang siyang umagaw sa lalawigan ng noon

Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana, ganap mong himbing
Huwag mo ′kong lisanin nang tunay kang maibig

Pa′no mo lilipulin daang-daang kong pagkasira
Sa kakababad sa sarili kong pang-unawa?

Sa'n ko hahanapin? Pa′no ko sasadyain
Ang iyong anyaya? Ako'y marungis, ′di makalapit
Oh, tatawagin ko, lalapitan ko
Ang siyang umagaw sa lalawigan ng noon


Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana, ganap mong himbing
Huwag mo 'kong lisanin nang tunay kang maibig

At sa tuwina′y masasambit ang ngalan mo
Ipit sa sisi, bilang ko ang kulang mo
Ngunit lahat ng ito, lahat ng ako
Handa na maging iyo

Oh, tatawagin ko
Oh, tatawagin ko

Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana, ganap mong himbing
Huwag mo 'kong lisanin nang tunay kang maibig

Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana, ganap mong himbing
Sa aking pagbalik nang tunay kang maibig

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Imago

Quiz
Cro nimmt es meistens ...?

Fans

»Sa Ngalan Mo« gefällt bisher niemandem.