Songtexte.com Drucklogo

Takdang Aralin Songtext
von Gloc‐9

Takdang Aralin Songtext

Gloc-9, pa′no ba sumulat ng letra
Upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9, 'yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay sa′yong balikat
Gloc-9, pa'no ba sumulat ng letra
Upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9, 'yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay

Kung walang asukal sa kape, dapat makale
Kahit na ano pang ingay d′yan, okay lang kami
Kapag merong makikiraan ay tumatabi
Papel at panulat sa kamay ang aming pambili
Sa tindahan ng buhay, lagi naming pambayad
Nagsawa na′ko sa gulay, lalakad lang ng banayad
Buhat-buhat ang karne, mga kamay na may lamat
Ang nakaguhit sa palad ay prenong 'di sumasayad


Mabilis, mabangis, palihis man ang alon
Natuto nang sumagwan sa bangka na walang tapon
Nainis sa panis na diniss mo kahapon
Piliin ang laban at ang papatulan na hamon
Dahil ′di kailangan patunayan ang sarili
Sa taong ang pinangungusap lang ay gitnang daliri
Ang sa'yo ay sa′yo kahit na 'di ka mapili
Basta handa kang lasahan kahit ang nakakadiri

Magtanim ay ′di biro, pwede kang matibo
Paglusong mo sa putik, kailangan kang maligo
Ano mang iyong piliin, dapat mahalin
At huwag kalimutang gawin ang takdang aralin
Magtanim ay 'di biro, pwede kang matibo
Paglusong mo sa putik, kailangan kang maligo
Ano mang iyong piliin, dapat mahalin
At huwag kalimutang gawin ang takdang aralin

'Di madali, mahirap, pinaghirapan ko ′yun
Buhayin ang kulisap sa kamay na nakakuyom
Intindihin ang sinabi sa tenga nang pabulong
Alam mo kung sa′n liliko kahit hindi ka lumingon
Luwagan mo ang kapit nang hindi ka bumibitaw
Aralin ang sinapit ng mga unang gumalaw
Huwag mong ihain ang kanin kung ang sinaing ay hilaw
Lalo na kung alam mo na ang nagluto ay ikaw


Ang gusto kong sabihin ay napakasimple lang
'Di mo dapat pinapakinggan ang imposible ′yan
Kapag meron kang naipon at alam mo kung ilan
Pumunta ka sa palengke, sabihin mo pagbilan
Basta manahimik ka lang 'pag ′di ka kinakausap
Inuupuan ang silya, hindi ito binubuhat
Magsuot ka ng relo, iwasang maging makunat
'Pag hindi ka dumating sa oras, ′yan ang mauulat

Gloc-9, pa'no ba sumulat ng letra
Upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9, 'yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay sa′yong balikat
Gloc-9, pa′no ba sumulat ng letra
Upang ang mga mata ay mamulat
Gloc-9, 'yung nakakagulat
At lahat ay gustong umakbay

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Fans

»Takdang Aralin« gefällt bisher niemandem.