Songtexte.com Drucklogo

Si Raul Songtext
von Gloc‐9

Si Raul Songtext

Naranasan mo na bang kumain nang walang nakahain?
Nabasa ng ulan dahil wala kang dahon ng saging na masilungan
′Di tinulungan, 'di mo akalain
Na tuluyan kang matatabunan ng mga suliranin
Naranasan mo na bang parang nakagapos ang mga braso?
Sa mga problemang kinakaharap ay lagi kang talo
′Di na alam ang 'yong gagawin, sa putik ay sagipin
Kung mayro'n kang pagtingin, aking palad ay abutin

Tila hindi na tuluyan pang maubusan ng luha
Mata na palagi na lamang nakatitig sa lupa
Hindi na kayang tumingala, kailan makakawala?
Magkasingdami ng pagsubok ang aking pagkadapa
Kailan pa matatapos paghihirap ko sa buhay?
′Di ko ′to ginusto pero mahaba na'ng aking sungay
At nang hindi na madamay pa sa aking kamalasan
Pilitin mong matakasan bago pa ′ko masiraan ng aking ulo


Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
Ayoko mang masiraan ang aking ulo
Bago pa ′ko masiraan ng aking ulo
Bahala na, masiraan ng ulo

Naranasan mo na bang pawisang hindi mo pwedeng punasan?
Hindi mo pwedeng iwasan, hindi mo pwedeng labanan
Hindi mo pwedeng gamitin, hindi mo pwedeng hipuin
Sunud-sunurang alipin na parang ako'y inutil
Na laging hinahagupit ng amo kong malupit
Nadarama kong sakit, palaging nakapikit
At pilit na tinitiis ang bawat hapdi
Sa mga araw na laging kulang ka sa salapi

At ′di mo na malaman kung kanino ka hihingi
Kung minsan ay hindi mo na makuha pang ngumiti
Pagkagising ay trabaho, kung minsan ay namamaho
Kasi butas na ang tabo, wala pang tubig sa banyo
Sinasabunutan mo na'ng sarili, langaw ay hinuhuli
'Pag mag-isa′y humuhuni, nand′yan sa tabi-tabi
Gusto mo nang sumigaw, gusto mo nang bumitaw
Sabihin mo sa 'kin bago pa ′ko masiraan ng aking ulo


Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
Ayoko mang masiraan ang aking ulo
Bago pa ′ko masiraan ng aking ulo
Bahala na, masiraan ng ulo

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Quiz
Wer ist gemeint mit „The King of Pop“?

Fans

»Si Raul« gefällt bisher niemandem.