Songtexte.com Drucklogo

Sayang Songtext
von Gloc‐9

Sayang Songtext

Marami nang beses na kitang nakita na umiiyak
At hindi mapalagay ang kalooban
Sinabi ko naman, ′di mo 'ko pinakinggan
Tapos pinagtawanan, sige, bahala ka d′yan

Ikaw lang ang iniisip maging sa panaginip
Ayaw nang nasa bingit ka ng hirap at pasakit
Lalo na kapag nahuhuli ko ang 'yong syotang
May kasamang iba, 'di ko malaman kung pa′no ko
Sasabihin ang kulay, ang nadaramang tunay
At ialay ang buhay nang hindi na tuluyan pang
Masugatan ang puso, kahit wala sa uso
Hindi umaabuso, kahit pa mayro′n ka nang iba, baby

Sumama ka sa 'kin doon sa may amin
′Di ka pababayaan, 'di ka paluluhain
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Nanligaw ako noon kung ako lamang ang pinili mo, baby


Sumama ka sa ′kin doon sa may amin
'Di ka pababayaan, ′di ka paluluhain
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Nanligaw ako noon kung ako lamang ang pinili mo, baby

Kahit wala akong kotse, Gabbana and Dolce
Na inireregalo kahit na hindi Noche Buena
Pero pag-ibig ko sa 'yo ay wagas
Kahit bilangin bawat butil ng 'sang sakong bigas

Prutas na pinitas, sa ′yo ko lang ibinigay
Handang lumusong sa tubig o tumawid sa tulay
May makapal na pitaka, damit na magara
Wala ′ko n'yan, pero bakit ′di mo inakala
Na kaya kong punasan ang bawat luhang pumatak?
Sasamahan ka hanggang sa dulo ng bawat yapak
'Di tulad ng lalaking kasama sa auto ngayon
′Di na nga hinatid sa bahay, 'di ka pa nilingon, sige, baby

Sumama ka sa ′kin doon sa may amin
'Di ka pababayaan, 'di ka paluluhain
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Nanligaw ako noon kung ako lamang ang pinili mo, baby


Sumama ka sa ′kin doon sa may amin
′Di ka pababayaan, 'di ka paluluhain
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Nanligaw ako noon kung ako lamang ang pinili mo, baby

′Di ko naman gustong mangyari sa 'yo ang ganito
At alam ko na ′di naman ako ang s'yang gusto mo
Pero masasabi mo bang ikaw ay masaya?
Lumalakas na ang ulan, nasaan na ba s′ya?
Kahit sira ang aking payong ay handang umalalay
Kahit anong klaseng problema, lagi kang may karamay
At lagi mong iisipin na kung ako ang kapiling
Wala akong babaguhin, ikaw lang ang iibigin, kaya

Sumama ka sa 'kin doon sa may amin
'Di ka pababayaan, ′di ka paluluhain
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Nanligaw ako noon kung ako lamang ang pinili mo, baby

Sumama ka sa ′kin doon sa may amin
'Di ka pababayaan, ′di ka paluluhain
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Nanligaw ako noon kung ako lamang ang pinili mo, baby

Sumama ka sa 'kin doon sa may amin
′Di ka pababayaan, 'di ka paluluhain
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Nanligaw ako noon kung ako lamang ang pinili mo, baby

Sumama ka sa ′kin doon sa may amin
'Di ka pababayaan, 'di ka paluluhain
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Nanligaw ako noon kung ako lamang ang pinili mo, baby

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Quiz
Welcher Song ist nicht von Britney Spears?

Fans

»Sayang« gefällt bisher niemandem.