Songtexte.com Drucklogo

Rap Ka Nga Songtext
von Gloc‐9

Rap Ka Nga Songtext

′Di ba't ikaw ′yung manunula
Na palaging nasa radyo't telebisyon?
Mahina ang kalaban, teka muna
Mga utos mong sa 'kin ay obligasyon
Palaging bukambibig, "Rap ka nga"

16 na taon, hindi pwedeng mapikon
Mga paa sa buhangin na palaging nakabaon
Parang tubig sa balon, pila ng mga galon
Madami pa ′kong tugon, ′wag bitawan ang telon
Itaas nang mabuti, punong kakawate
Na may tutubi, bubuling hindi mo mahuli-huli
Pwede bang masabi mo kung pa'nong atake?
Alin d′yan? Ituro mo kasi medyo madami


Ang napakinggan kong tunog simula pa nu'ng
CD, MP3, bihira pa no′n
1993, bata pa 'ko no′n
Ballpen na pang-ikot ng cassette, bihasa 'ko do'n
Kahit sino′ng makabangga, tatlo lang ang salita
Marahil iniisip nila na ako′y bihasa
Sa pagsulat ng tula o sa pagsasalita
Palagi na lang, wala nang ibang sinasabi kundi "Rap ka nga"

Magkano ang pera mong dala? Patingin
Halika, dito tayo magbilang sa dilim
"Oo" ang sagot, pero ba't umiiling?
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising
Magkano ang pera mong dala? Patingin
Halika, dito tayo magbilang sa dilim
"Oo" ang sagot, pero ba′t umiiling?
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Rap ka nga
Rap ka nga
Rap ka nga

Kalalabas ko pa lang ng makata
Sumulat na naman ako ng bagong talata
'Di mahalaga kahit maigsi o mahaba
′Wag kang mahabala kasi ako ang bahala
Magkano ang pera mong dala? Patingin
Halika, dito tayo magbilang sa dilim
"Oo" ang sagot, pero ba't umiiling?
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising


Ang gusto kong sabihin, isa lang
Ano ba ang kailangan mo sa ′kin? Ano ang pakinabang?
Alam mo na siguro na 'di lamang puro tapang
'Di makalakad, ba′t ′di mo subukang gumapang?
Tinawid ko ang tulay na giba
Inabot ko kahit nakahiga
Sinimot ko ang lahat ng tira
Kahit ako lang 'to at wala nang iba

Sige lang, sige lang, silaban ang ano mang, ano mang nakahadlang
Ituwid, ′tagilid, tara na, kapatid, habulan, habulan, unahan lang
Sige lang, sige lang, silaban ang ano mang, ano mang nakahadlang
Ituwid, 'tagilid, tara na, kapatid, habulan, habulan, unahan lang (hey)

Magkano ang pera mong dala? Patingin
Halika, dito tayo magbilang sa dilim
"Oo" ang sagot, pero ba′t umiiling?
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising
Magkano ang pera mong dala? Patingin
Halika, dito tayo magbilang sa dilim
"Oo" ang sagot, pero ba't umiiling?
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Rap ka nga
Rap ka nga
Palaging bukambibig, "Rap ka nga"

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Quiz
Wer singt über den „Highway to Hell“?

Fans

»Rap Ka Nga« gefällt bisher niemandem.