Songtexte.com Drucklogo

Itak Ni Andres Songtext
von Gloc‐9

Itak Ni Andres Songtext

Naputulan ng paa, pero ′di siya tumakbo
Naputalan ng kamay, pero 'di siya tumakbo
Naputulan ng kuko, pero ′di siya tumakbo
Pero 'di siya tumakbo, pero 'di siya tumakbo

Sino′ng takot? Sino′ng tumitiklop?
Sino'ng tumatakbo ′pag ang kalaban ay nariyan sa likod?
Hindi takot, hindi tumitiklop
Handang lumaban nang sabayan
Kapag binunot ako sa bewang ng supremo

Ako'y kasingtigas ng bakal
Binabad sa apoy para lang mapalambot
Supremo, ′di ako marunong umangal
Kahit na ako'y may martilyong sinasambot

Aking dinanas, pilit dinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Aking dinanas, pilit dinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko, oh


Braso, kamay, ulo, pangalan
Binitbit sa digmaan, nalasahan ko na
Kaya siguro ganito ang aking pagkakahulma
Sa paraan ng paggamit sa ′kin, hindi na nagtaka
Agad nalaman ko na minsan ay kailangan mong itarak
Dugoy dumanak nang malaman ang balak ng iba
Na ang tanging hangad ay ang makalamang
Kapag may nililitis, ako ang laging nakaabang

'Pag mayro'ng nahatulan at ′di makita ang baril
Dahil sanay pumutol ng kahoy, ako′ng tagakitil
Pero kung minsan ay nagtatanong, "May napuntahan ba
Ang walang tigil na pagdaloy ng sapa na pula?"
At sa palengke ng dahas, 'di kailangang bumili
Ang pilit na sinasabi sa ′kin ng pluma ni Jose
"Tingin ko 'yun ay mabagal, ito ang mabilis"
Ako nga po pala ang itak na gamit ni Andres

Aking dinanas, pilit dinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Aking dinanas, pilit dinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko, oh

Sino′ng takot? sino'ng tumitiklop?
Sino′ng tumatakbo 'pag ang kalaban ay nariyan sa likod?
Hindi takot, hindi tumitiklop
Handang lumaban nang sabayan
Kapag binunot ako sa bewang ng supremo


Naputulan ng paa, pero 'di siya tumakbo (sino′ng takot?)
Naputalan ng kamay, pero ′di siya tumakbo (sino'ng tumitiklop?)
Naputulan ng kuko, pero ′di siya tumakbo (sino'ng tumatakbo ′pag ang kalaban)
Pero 'di siya tumakbo, pero ′di siya tumakbo (ay nariyan sa likod?)

Naputulan ng paa, pero 'di siya tumakbo (hindi takot)
Naputalan ng kamay, pero 'di siya tumakbo (hindi tumitiklop)
Naputulan ng kuko, pero ′di siya tumakbo (handang lumaban nang sabayan)
Pero ′di siya tumakbo, pero 'di siya tumakbo (kapag binunot ako sa bewang ng supremo)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Fans

»Itak Ni Andres« gefällt bisher niemandem.