Bintana Songtext
von Gloc‐9
Bintana Songtext
Pagmulat ng aking mata
Isang maaraw na umaga
Bumangon sa aking kama
Diretso na sa kubeta
Maliligo, maghihilod
Mga libag sa′king likod
Magmumumog pagkasipilyo
Handa na po ang inyong lingkod
Pagkatapos magsuklay
Suot ang bago kong damit
Nakahanda 'kong mamatay
Habang ako′y papalapit
Sa isang dilag at ang sabi ko sa kanya
Itaas ang mga kamay, holdap 'to
Ilabas lahat ng pera sa bangko niyo
Hindi ko naman talaga balak na gawin ito
Para bang ako'y tinulak lamang sa gawi na′to
Ang gusto ko lamang naman ay tahimik na buhay
Kasama ang pamilya ko, bawat araw, makulay
Pang empacho sa kahirapan, sadyang nakakaumay
Kahit na ang maamong tupa′y tutubuan ng sungay
Kay pastor napilitang mamasukan si misis
Araw-araw na kinukuwento kung gaano kamanyakis
Kahit 'di pa niya sabihin kung hanggang saan ang labis
Magtiis sa amo na makaraos lamang ang nais
Isang araw ang aming anak, walang tigil sa pag-iyak
Kung bakit ang mga doktor ay hindi makatiyak
Anong tunay na galak, bakit napakailap?
Para sa mga mahal, puso ko′y nabibiyak
Pumasok ako dati kay mayor bilang alalay
Utusan sa kahit saan at ano mang bagay
Kumatok sa pinto ng kanyang malaking bahay
Upang humingi ng tulong para sa aking panganay
Tinaboy, kinutya, ako'y hinamak ng hinamak
Madumi na daw ang sahig kung sa′n ako tumapak
Ang mundo pala'y makipot, akala ko′y malawak
Binitiwan ang pag-asa na matagal ko nang hawak
Tinawagan ang kumpare para humiram ng bakal
Papasok sa pinto, naglalakad ng mabagal
Labag man sa kalooban, hindi ko naman asal
Ayoko nang basahin ang nakasulat na bawal
Pinuno ng salapi ang dala-dala kong bag
Tumakbo ng tumakbo palayo at lumundag
Sa isang bangin na madilim para kang bulag
Nagpalipas ng gabi hanggang sa magdamag
Kinabukasan nilagay ang pera sa kahon
Na kahoy, kinandado, malalim kong binaon
Nagpaalam sa mag-anak ko na tanong ng tanong
Meron na tayong sagot kahit ako'y makulong
Gagaling ka na anak, magpalakas ng katawan
Mag-aral kayong mabuti, 'yan ang laging tandaan
Ako′y sumuko sa pulis, agad akong kinapkapan
Nung walang nakatingin tsaka ako nanlaban

Writer(s): Aristotle Pollisco Lyrics powered by www.musixmatch.com