Bigo Songtext
von Gloc‐9
Bigo Songtext
Bibig, nakabusal, may piring mga mata
Nakagapos ang kamay, nakakadena ang paa
Tuwing nakikiusap ay napakaamo ng mukha
′Pag kailangan mo ng tulong ay biglang nawawala
Puwede ba?
Oh, puwede ba?
Nasa'n na sila?
Higaan ay napakalambot
Walang dumadapo ni isa mang langaw o lamok
Sobrang daming perang bibilangin, ′di nababagot
Sana lahat nang 'yan balang araw ay aking maabot
Puwede ba?
Oh, puwede ba?
Kaso lang ako'y alila ng may-ari
Araw ang amoy, kapos lamang palagi
Alam mo bang ako′y kabilang sa marami
Na lumalangoy sa hirap, ang tawag sa amin, maralita sa Pinas
Sana po ay mapakinggan n′yo
Nang malaman n'yo ang s′yang tunay na kalagayan ko
Naniwala sa lahat ng mga pinangako n'yo
′Di na alam kung ano ang totoo, ako'y nalilito
Puwede ba?
Oh, puwede ba?
Kaso lang ako′y tinatapakan ng higante
Ayaw mag-apoy kaya upos lamang palagi
Bawat hakbang ako'y nagbabakasakali
At lumalangoy sa hirap, ang tawag sa amin, maralita sa Pinas

Writer(s): Aristotle Pollisco Lyrics powered by www.musixmatch.com