Songtexte.com Drucklogo

Takipsilim Songtext
von Gloc-9 feat. Tippy Dos Santos

Takipsilim Songtext

Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sa ′yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay ′di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa

Paggising sa umaga, diretso sa banyo
Naligo ng maaga, nilakasan ang radyo
Habang pinili ang paborito kong damit
Na ginamit ko nung tayo'y magkakilala

Lumabas ng bahay, tumingala sa langit
Kahit na tulala ay mahinang inaawit
Sa 'king sarili ang himig na nadinig
Sa radyo (sa radyo) nung tayo′y magkakilala

′Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sa 'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
′Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa


Kahapon ay nanggaling ako sa manggagamot
At ang laman ng hangin sa baga′y 'di aabot
Kahit nalaman ay ′di naman ako galit
Ibinaling ko sa dami ng naalala

Tanong ko sa aking sarili
Ano ang gagawin ko?
Lahat ng tila imposible
Pagkakasyahin ko

Lalangoy sa dagat, maliligo sa ulan
Maghahap ako, makahiya sa damuhan
Habang lumalakad ng nakapaa sa putikan
Ang oras ay ngayon, walang tanong na kailan
Asintahin mga bituin, pagmamasdan ng mabuti
Magbebenta ng mura, 'di bale na kung malugi

'Wag kang mag-aalangan, bawasan ang muni-muni
Dapat ′di ka natatakot bahala na kung mahuli
Aking sasabihin, lahat ng gusto kong sabihin
Lulusungin lahat ng gusto kong sisirin
Mailap na kasaguta′y aking hahanapin


Ang mga mahal sa buhay ko ay aking yayakapin
Lumuhod sa Ama, tumingala nang maling nagawa, mabaliwala
Ang paalam ay isang malungkot na salita
Lalo na kung marami ka pang hindi nagawa
Kaya sabihin mong mahal mo si 'ya
Bago mahuli ang lahat
Kalagan mo ang dilang kagat
Tapos bumalik sa umpisa para lang humina lahat
At marinig mo ang tama′t tapat

Dahil ang buhay natin ay hiram 'di alam kung kailan
O kung ga′no kaigsi ang panahong nakalaan
Buhay natin ay hiram, 'yan ay dapat mong alam
Dahil ang kahapo′y 'di na natin pwedeng balikan

'Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sa ′yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
′Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa

′Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sa 'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
′Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa

Noong ikaw ay akin pa
Noong ikaw ay akin pa
Noong ikaw ay akin pa

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer besingt den „Summer of '69“?

Fans

»Takipsilim« gefällt bisher niemandem.