Isa Songtext
von Gary Granada
Isa Songtext
Kagaya ng bituing sabay nang nilikha
Subalit may kanikaniyang landas
At kahit pa gawing pareho′ng simula
Sadyang magkakaiba't ibang wakas
Ngunit sa pag-ibig na mula sa Maykapal
Kahit na sila′y magkaiba
Kung may pananalig at pagmamahal
Ang dalawa'y maging isa
Minsa'y tinakdang sila′y magkatagpong minsan
Hawak niyang pag-isahin ang panahon
Kahit na sila′y nagkalihis man ng daan
Minsan ding pagsangahin ang dito at doon
Kagaya ng ilog, sila ay bubukod
Sa sintang ama't ina
At ang magsing-irog ay magbubuklod
Para sa isa′t isa
Minsa'y tinakdang sila′y magkatagpong minsan
Hawak niyang pag-isahin ang panahon
Ang pinag-isang mga buhay ng Maylalang
Huwag nawang pagwalayin ng pagkakataon
Hindi man matanto, hindi man matalos
Sa isang munting pasya
Sa harap ng tao at harap ng Dios
Ang isa't isa′y magiging iisa
Ang isa't isa'y isa
Subalit may kanikaniyang landas
At kahit pa gawing pareho′ng simula
Sadyang magkakaiba't ibang wakas
Ngunit sa pag-ibig na mula sa Maykapal
Kahit na sila′y magkaiba
Kung may pananalig at pagmamahal
Ang dalawa'y maging isa
Minsa'y tinakdang sila′y magkatagpong minsan
Hawak niyang pag-isahin ang panahon
Kahit na sila′y nagkalihis man ng daan
Minsan ding pagsangahin ang dito at doon
Kagaya ng ilog, sila ay bubukod
Sa sintang ama't ina
At ang magsing-irog ay magbubuklod
Para sa isa′t isa
Minsa'y tinakdang sila′y magkatagpong minsan
Hawak niyang pag-isahin ang panahon
Ang pinag-isang mga buhay ng Maylalang
Huwag nawang pagwalayin ng pagkakataon
Hindi man matanto, hindi man matalos
Sa isang munting pasya
Sa harap ng tao at harap ng Dios
Ang isa't isa′y magiging iisa
Ang isa't isa'y isa
Writer(s): Gary Granada Lyrics powered by www.musixmatch.com