Songtexte.com Drucklogo

Eyewitness Songtext
von Deviate

Eyewitness Songtext

Saan man galing ang ihip ng hangin
Mapuwing man ako ng buhangin
Ang ngiting ito′y may munting pag-amin:
Maliwanag pa sa araw
Ang liwanag ko'y ikaw

Ang mabihag ng iyong mga bisig
Tanging kaligayahan ko′t hilig
Handang mag-alay sa ngalan ng pag-ibig
Wala nang mas malinaw
Ang liwanag ko'y ikaw

Kaya't huwag nang ipagkait
Ang bulong ko sa langit:
Ang tayo′y maglayag,
Lumipad kahit saglit

Ikaw ang ilaw sa′n ka man dalhin
Hindi na tayo matatakot sa dilim
Dahil iba ang dala ng pagibig mo
Liwanag sa buong mundo
Shine Pilipinas SHINE 4X


Tunawin man ng init ng panahon
Ang puso kong hangad lang ay ambon
Di susuko; ano man ang hamon
Sa dilim, lumilitaw
Ang liwanag ko'y ikaw

Sa bawat kilos mo′t galaw
Damdamin mo'y sumisigaw
Ang ganda mo′y sumasayaw
Buong mundo'y nasisilaw

7107 islands with a touch of heaven
Beautiful faces, beautiful culture beautiful races, beautiful places
Mountains, beaches to the shore, we got more yeah that′s for sure!! People, fiestas fun together
Everyday is summer, you'll love the weather
Kahit ano, we got it all
Sa lupang sinilangan
Ako'y natutong maglakad
Pangarap ko′y nakasakay
Sa hanging lumlipad
Sa′n mo man ako dalhin ako'y
Patuloy babalik
Kagaya ng tubig sa lupa′y
Hahalik
Nadadaan ang lahat sa sipag at dasal,
May dalang liwanag ang pagmamahal

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Deviate

Quiz
Wer will in seinem Song aufgeweckt werden?

Fans

»Eyewitness« gefällt bisher niemandem.