Songtexte.com Drucklogo

Shanghai (Demo) Songtext
von D'Aquila

Shanghai (Demo) Songtext

Isang gabi noong nagkita tayo
Natatandaan ko pa, malapit no′ng mag-Pasko
Sumisilip, sumusulyap lang sa tingin mo
Na singkinang ng mga talang nakikita ko

Ano pa nga ba ang magagawa ko
Kung hanggang tingin na lang ako sa 'yo?

Kapag humihingi ako sa ′yo ng pansin
Sana man lang kasi, iyong lingunin
Kahit isang kaway lang naman ng iyong kamay
Kasabay ng 'yong tingin at ng iyong
Isang "Hi"

Limang gabi na tayong nagkikita
Nagtatanong sa isip, "Ano'ng pangalan niya?"
Buhat sa mga ngiti mong ′di mawala-wala
Kaya ngayong Simbang Gabi, hiling ko′y himala

Ano pa nga ba ang magagawa ko
Kung hanggang ngiti na lang ako sa 'yo?


Kapag humihingi ako sa ′yo ng pansin
Sana man lang kasi, ika'y tumingin
Kahit isang kaway lang naman ng iyong kamay
Kasabay ng ′yong tingin at ng iyong
Isang "Hi"

Ngayong gabi na ang Misa de Gallo
Alam ko nang hindi na tayo magtatagpo
At kung hindi ko man masabi ang nasa puso ko
Ibubulong na lang ito sa sarili ko

'Pag nakita ko na ika′y nakatingin (ano pa nga ba ang magagawa ko?)
Hindi ko na malaman kung ano ang gagawin (alam ko nang hindi na tayo magtatagpo)
Kahit isang kaway lang naman ng iyong kamay
Kasabay ng 'yong tingin at ng iyong-

'Pag nakita ko na ika′y nakatingin (ano pa nga ba ang magagawa ko?)
Hindi ko na malaman kung ano ang gagawin (alam ko nang hindi na tayo magtatagpo)
Kahit isang kaway lang naman ng iyong kamay
Kasabay ng ′yong tingin at ng iyong-

Kasabay ng 'yong ngiti at ng iyong-
Kasabay ng ′yong tingin at ng iyong
Isang "Hi"

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Shanghai (Demo)« gefällt bisher niemandem.