Songtexte.com Drucklogo

Lahat Ng Araw (Silayan) Songtext
von Brownman Revival

Lahat Ng Araw (Silayan) Songtext

Silayan at bigyan ng pag-asa
Lahat ng araw kita′y mamahalin

Kamusta, binibini?
Pakinggan ang isang awit na singtamis ng kundiman

No'ng una kang makilala, ako′y napuno ng buhay
Paggising ko sa umaga, ikaw ang laman ng isip
Ikaw ang tunay na kulay ng buhay, mapungay ang mga mata
At bilang isang makata, inaalayan kita
Ng matamis na salita, singtamis ng iyong mukha
Singtamis ng iyong ngiti, singkinis ng iyong binti
'Di mapigilan ang damdamin, tulala't nakatunganga
T′wing nakikita kita, nakanganga aking bunganga
Humahanga sa taglay mong ganda

Asahang pangarap nitong buhay
Lahat ng araw kita′y mamahalin
Iwasan ang iyong alinlangan
Lahat ng araw kita'y mamahalin


Sa labi ng imbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal
Tulutang magtapat sa ′yo, hirang
Lahat ng araw kita'y mamahalin

Silayan at bigyan ng pag-asa
Pagmamahal, pusong nagdurusa
Iwasan ang pag-aalinlangan
Lahat ng araw kita′y mamahalin

Sa labi ng imbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal
Tulutang magtapat sa 'yo, hirang
Lahat ng araw kita′y mamahalin (yo, yo, yo)

Pakinggan mo ang bawat letra ng pag-ibig
Na binibigkas ng aking bibig
Ang ibig ang nais ay makapiling ka sa habang-buhay
Sumabay, sumayaw sa tono ng aking harana
Makulay at tunay at walang bahid ng biro
Dungawin, 'wag nang magpaligoy-ligoy
Halimuyak ng parang simoy ng sampung libong bulaklak sa hangin
Habang-buhay kitang mamahalin
Sa lahat ng araw, habang-buhay kang mamahalin

Sa labi ng imbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal, oh


Silayan at bigyan ng pag-asa
Pagmamahal, pusong nagdurusa
Iwasan ang pag-aalinlangan
Lahat ng araw kita'y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)

Sa labi ng imbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal
Tulutang magtapat sa ′yo lamang
Lahat ng araw kita′y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)

Lahat ng araw kita'y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)
Lahat ng araw kita′y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)
J Flavor, Brownman Revival, ha

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Brownman Revival

Fans

»Lahat Ng Araw (Silayan)« gefällt bisher niemandem.