Songtexte.com Drucklogo

Karera Songtext
von BINI

Karera Songtext

Minsan ay nahuhuli ang sarili
Na nag-aalala, ah
Mga bagay na ′di kontrolado pinoproblema
Pero teka lang

Mayro'n bang humahabol sa ′yo? (Oh, oh, oh, oh, oh)
'Di naman dapat matulin ang pagtakbo, oh

Sino ba'ng nagsabi na kailangan kong mauna?
Hindi naman ito karera, puwedeng magdahan-dahan
Sa bawat panibagong umaga
Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na

Oh, oh
Huwag mag-alala, buhay ay ′di karera
Oh, oh
Dahan-dahan lang, buhay ay ′di karera
Buhay ay, oh

Minsan ay nalilimutang huminga sandali
Magpahinga lang saglit (oh, oh, oh)
At 'di kailangang magmadali para magwagi
Puwedeng unti-unti


Wala namang humahabol sa ′yo (oh, oh, oh, oh, oh)
'Di naman dapat matulin ang pagtakbo, oh

Sino ba′ng nagsabi na kailangan kong mauna?
Hindi naman ito karera, puwedeng magdahan-dahan
Sa bawat panibagong umaga
Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na

Oh, oh
Huwag mag-alala, buhay ay 'di karera
Whoa, whoa
Dahan-dahan lang, buhay ay ′di karera

Oh
Ooh, ooh, hey, yeah
Buhay ay 'di, oh-oh, 'di karera
Buhay ay ′di karera, oh
Hey, hey, BINI


Maraming beses nangamba, nadapa, tumaya
Naniwala sa mundong madaya, uh
Ano nga ba? Sino nga ba? Ikaw ba? O ako ba?
Hinay lang, huwag mabahala-hala (oh)
Yah, huwag ka nang maniwala sa paniniwala
Na dapat makipag-unahan sa karera
Kung wala namang karera, dahan-dahan, tahan lang
Kakayanin, umpisa pa lang

Sino ba′ng nagsabi na kailangan kong mauna?
Hindi naman ito karera, puwedeng magdahan-dahan
Sa bawat panibagong umaga
Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na

Oh, oh
Huwag mag-alala, buhay ay 'di karera
Whoa, whoa
Dahan-dahan lang, buhay ay ′di karera

Walang masyadong mabagal, walang mabilis
Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis
Hingang malalim lang at tandaan
Ika'y may hawak ng iyong hakbang

Walang masyadong mabagal, walang mabilis (oh)
Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis (oh)
Hingang malalim lang at tandaan (oh)
Ika′y may hawak ng iyong hakbang (buhay ay 'di karera)

Walang masyadong mabagal, walang mabilis (oh, oh)
Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis (huwag mag-alala)
Hingang malalim lang at tandaan
Ika′y may hawak ng iyong hakbang (yeah)

Ooh (walang masyadong mabagal, walang mabilis)
(Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis)
Dahan-dahan lang (hingang malalim lang at tandaan)
Buhay ay 'di karera (ika'y may hawak ng iyong hakbang)

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Karera« gefällt bisher niemandem.