Songtexte.com Drucklogo

Ang Bayan Kong Sinilangan Songtext
von Asin

Ang Bayan Kong Sinilangan Songtext

Ako′y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasinggulo ng tao, kasinggulo ng mundo
Dahil 'di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo
Nagkagulo

Ang bayan ko sa Cotabato, kasinggulo ng isip ko
′Di alam saan nanggaling, 'di alam saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban
'Di ko alam ang dahilan ng gulo

Bakit nagkagano′n, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo′y igagalang ko
Kung ako'y ′yong nirespeto
Kung nagtulungan kayo
'Di sana magulo ang bayan ko


Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto
Sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo...
Ang gulo

Ako′y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa′y bigyan ng daan
Kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban
Magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo
Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko

Kung ako'y may maitutulong
Tutulong nang buong puso
Gitara ko′y aking inaalay
Kung magkagulo′y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso
Puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong ′sang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo


Sa bayan kong sinilangan
(Bakit may gulo)
Sa timog Cotabato
(Sa timog Cotabato)
Ako ay namulat
(Kailan matatapos)
Sa napakalaking gulo
(Ang gulo)
Dahil walang respeto
(Kailan magkakasundo)
Sa prinsipyo ng kapwa tao
(Ang tao)
Kapwa Pilipino
(Kapwa Pilipino)
Ay kinakalaban mo
(Bakit kinalaban mo)
Ang gulo...

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Asin

Quiz
Welche Band singt das Lied „Das Beste“?

Fans

»Ang Bayan Kong Sinilangan« gefällt bisher niemandem.